“OUR REFLECTION ROOM; OUR HAPPY PLACE”
Our reflection room is our nexus with God. Pioneerians voluntarily synergized to create this sanctuary, literally by hearts and hands: “Our Happy Place”.
We all need a place where we can go to for comfort and to feel calm. We choose to visit and stay in a place where it’s clean, we will feel better; renewed. Some people imagine an ocean beach, with calm waves returning to the shore and warm breezes blowing in their hair and the smell of salt in the air. To Pioneerians, “Our Reflection Room Is Our Feel-Good- Zone; Our Happy Place.” From this sacred place, we build our inner peace, hopes and memories; sharing its serenity and positive vibes with everyone.
“Kami rin ay naniniwala na ang malinis na kapaligiran ay nakaaapekto sa ating mga gawain at nararamdaman, gaano man tayo kasaya at kung gaano natin nakakayanan ang ating mga suliranin ay naiimpluwensyahan ng mga desisyon na ating ginagawa sa pang araw-araw. Nakakawili at nakakahikayat ng positibong kaisipan kung malinis ang iyong kapaligiran. Maaliwalas ang iyong pakiramdam kaya magaan mong nararamdaman ang mga positibong bagay sa iyong paligid. Subalit, marami ring tao na nahihirapan na panatilihin ang malinis at maayos ang lugar na kanilang ginagalawan. Sa Pioneer Lab, ito ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa, at si “Ate Ivic” ang mabuting halimbawa ng isang Pioneerian na may marangal na ambag sa larangang ito. Anuman ang antas ng aming gawain, ang higit na mahalaga ay ang pagtugon sa “responsibilidad at pananagutan ng buong katapatan”, hindi lamang para sa sarili, kundi higit pa para sa nakararami: katrabaho at kliyente.”
“A CLEAN PLACE IS A HAPPY PLACE.” Naniniwala kami rito. Alinsunod dito, ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng malusog na pangangatawan. Naiiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng dengue, cholera, sakit sa balat, at pagtatae. Naiiwasan din ang pagdami ng mga hayop o insekto na nagdadala ng mga sakit na nabanggit. Nagdudulot din ito ng maaliwalas at kasayahan sa pakiramdam. Sa pagkakaroon ng malinis na paligid, nagiging magaan ang ating pag-iisip.
MGA SAKIT NA DULOT NG MARUMING KAPALIGIRAN
- Tuberculosis
- Diarrhea
- Dengue
- Pagtatae
- Cholera
- Sakit Sa Balat
- Iba pang Impeksyon
ANO ANG MAGAGAWA NATIN?
- Maglinis ng paligid, araw-araw; huwag hayaang may mga nabubulok at nilalangaw na maaring pagpugaran ng mikrobyo, at tubig na pwedeng pamahayan ng lamok
- Gumamit ng pamatay mikrobyo, gaya ng sabon, alcohol at chlorox sa paglilinis
- Gumawa ng compost pit para sa mga nabubulok na basura
- Huwag sunugin ang mga basura, magdudulot ito ng polusyon sa hangin.
- Sundin ang tamang segregrasyon ng basura.
Laging tandaan, “PREVENTION IS BETTER THAN CURE.”
We Don’t Just Examine, We Care!